Gatchalian: Stringent Online Gambling Laws Needed to Combat Underground Operations
August 18, 2025
Gatchalian: Stringent Online Gambling Laws Needed to Combat Underground Operations
Senator Win Gatchalian said that tougher online gambling laws are crucial to dismantling underground operations and protecting Filipinos from the dangers of online gambling.
Gatchalian emphasized that a total ban may not sufficiently deter online gambling, citing the case of e-sabong, which the government has banned but continues to thrive to this day.
"It's time to have stricter regulations that have real teeth. A ban alone may not be enough. Online gambling operators would likely just move underground, making it even harder for authorities to regulate operations and putting vulnerable Filipinos, especially the youth, at greater risk," said Gatchalian.
The lawmaker had earlier filed a bill seeking stricter regulations on online gambling to curb the growing addiction of many Filipinos to the vice, which has given rise to many social ills, such as the proliferation of crimes and even mental health issues.
"Kailangan nating mas higpitan pa ang mga regulasyon sa online gambling dahil padami nang padami ang mga Pilipino na nalululong dito at dumadami din ang mga buhay at pangarap na nasisira dahil dito," he added.
Gatchalian: Mahigpit na Batas sa Online Gambling Kailangan Kontra Ilegal na mga Operasyon
Iginiit ni Senador Win Gatchalian na ang mas mahigpit na batas sa online gambling ay mahalaga upang tuluyang mapuksa ang mga ilegal na operasyon o 'undergound operations' at protektahan ang mga Pilipino mula sa mga panganib nito.
Binigyang-diin ni Gatchalian na posibleng hindi sapat ang pagba-ban sa online gambling. Bilang halimbawa, binanggit niya ang e-sabong, na bagama't ipinagbawal na ng gobyerno ay patuloy pa ring lumalaganap.
"Panahon na para magkaroon ng mas mahigpit na regulasyon na may tunay na ngipin. Ang pagbabawal lamang ay maaaring hindi sapat. Posibleng lumipat lamang sa ilegal na operasyon ang mga online gambling operator, na lalong magpapahirap sa mga awtoridad na kontrolin ang kanilang mga gawain at maglalagay sa mas matinding panganib sa mga Pilipino, lalo na sa kabataan," sabi ni Gatchalian.
Nauna nang naghain ang mambabatas ng isang panukalang batas na naglalayong magtakda ng mas mahigpit na regulasyon sa online gambling upang masugpo ang tumitinding pagkalulong ng maraming Pilipino dito. Ang bisyong ito ay nagdudulot ng iba't ibang suliraning panlipunan tulad ng pagdami ng krimen at mga isyu sa mental health.
"Kailangan nating mas higpitan pa ang mga regulasyon sa online gambling dahil padami nang padami ang mga Pilipino na nalululong dito at dumadami din ang mga buhay at pangarap na nasisira dahil dito," dagdag niya.
Legal Disclaimer:
EIN Presswire provides this news content "as is" without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the author above.
