Manila Politics Today
SEE OTHER BRANDS

Top politics and government news from Philippines

Transcript of media interview with Senator Risa Hontiveros

PHILIPPINES, July 28 - Press Release
July 28, 2025

TRANSCRIPT OF MEDIA INTERVIEW WITH SENATOR RISA HONTIVEROS

Q: Ma'am, confirm lang kung kayo po ba ay magiging bahagi ng Minority or Independent bloc. Ano na po yung final?

Senator Risa Hontiveros (SRH): Hindi na mabubuo yung una kong planong independent bloc. Ako po ay magiging bahagi ng minority.

Q: What made you decide po to be part of the Minority again?

SRH: Ah, yung plan A ko na independent bloc hindi na nga mabubuo. Nung akala ko ibang bloke ng mga senador ang magiging minority, hindi ako sasama sa kanila. Pero ngayong iba pang bloke ang magbubuo ng minority at ibang senador ang magiging minority leader. Ako'y naging bukas sa kanilang pag-iimbita at nag-desisyon akong sumama sa minority.

Q: Ma'am, nagkausap na po ba kayo ulit ni Senator Kiko at Senator Bam?

SRH: Oo, mayat-maya nag-uusap pa naman na lagi kaming tatlo.

Q: And nagdecide na po ba sila na magmamajority?

SRH: I cannot speak for them. So kailangan tulad ng pagboto ko mamaya, yung pagboto nila ay masasaksihan nyo naman at pwede nyo silang tanungin kung ano yung magiging final na desisyon nila.

Q: Ma'am, how do you reconcile yung position nyo po ninyo with certain bills with emerging minority kasi we know what happens mukhang makakasama ninyo si Sen. Sotto and we know naman where these positions lie vis-a-vis your position lies on bills like SOGIE, Divorce and other progressive bills so how do you reconcile?

SRH: Totoo na may pagkakaiba kami ni Sen. Sotto sa ilang mga social bills. Hindi lahat, ha. Tinulungan niya ako nung nakaraang Kongreso dun sa at least isang social bill na i-re-refile ko rin kung hindi mang na-refile na. At walang problema kung on an issue-to-issue basis may mga hindi kami pagkakapare-pareho lagi ng posisyon. I have always been and I will remain an independent-minded senator. At patuloy ko rin tatrabahuin yung pagpapalakas sa mga pwersa ng ating mga kababayan sa labas ng Senado. So panatag ang loob ko, mapayapa ako na dito sa pagsapi ko sa minority, magpapatuloy akong magtatrabaho at magpapatuloy akong maninindigan.

Q: Ma'am paano nabuo ito? Nagkausap po kayo nina Senator Sotto, Senator Ping, days before, weeks ago?

SRH: Unang nagbanggit ng imbitasyon si Senator Ping and then sinabi din ito pag-imbita man o pagiging bukas ni na Senator Migz at Senator Tito. So nabuo po yung desisyon ko sa pakikipag-usap at pulong sa kanila.

Q: So generally ma'am you are like-minded in this bloc?

SRH: We are like-minded sa pag-check and balance. We are like-minded sa pag-fiscalize. Lalo na sa panahon ngayon, well, ng baha obviously, ng paghahanda ng buong Senado para sa susunod na budget debates sa pag-checheck and balance at fiscalize sa mga importanteng issue. Batay sa rules ng Senado, batay sa tradisyon ng Senado at pati sa mahalagang question ng impeachment.

Q: Ma'am, may push for na ma-reconvene agad yung Senate Impeachment Court?

SRH: The Senate Impeachment Trial Court is in session. Ongoing ang trial. So yan po ang presumption ko. Pinanghawakan ko pa rin yung inanunsyo ni presiding officer dati na uupo kami ulit bilang Korte bukas, martes, 29 ng Hulyo. At syempre, top of mind sa amin ngayon yung kalalabas na desisyon ng Korte Suprema. So kailangan din naming magkasundo paano kami magpuproceed given yung importanteng development na ito?

Q: What you are of the belief na dapat po mag impeachment trial pa rin o susunod na lang kayo? Kasi for example, sina Senator Ping, sinasabi, dapat sunod na lang sa SC decision po.

SRH: Nire-respeto ko ang Korte Suprema. With all due respect sa Korte Suprema, nagpahayag din ako ng pagkadismaya noong araw ng paglabas ng desisyon. Yung pagkabahala sa mga disturbing questions tulad ng pagdagdag ng mga requirements para sa impeachment trial, tulad ng tila pagbabago sa depinisyon ng initiation na nakaapekto na mukhang makaaapekto sa kaparalan nitong impeachment trial at the same time at gusto kong ibalanse doon at ito ay ipinaalala din ng iba't ibang mga dating justices at chief justices din paano na ang solong responsibilidad ng Senado sa ilalim ng Constitution mismo na dinigin ang isang impeachment trial? Paano na yung separate at co-equal branches of government at yung pagrespeto namin sa isa't isa? Paano na yung prinsipyo ng karapatan ng mamamayan, singilin ang accountability ng bawat isa sa amin na nagtatrabaho sa gobyerno. So may mga ongoing efforts na balansehin ito. Mga resolution on the sense of the Senate at iba pa.

Q: Ma'am, based on your reading of the Supreme Court ruling, humirap ba o dumali ang impeachment?

SRH: Well, at this very moment, habang wala pang nag-fafile halimbawa ng motion for reconsideration, habang pina-finalize pa ang anumang resolutions, mukhang nakakabahala sa kalooban ng lahat. Kaya nga sinusubukan sa pamamagitan nitong iba't ibang reliefs o proseso, linawin para hindi maging mas mahirap. Kasi mahirap na nga eh, challenging. Marami ng requirements ang impeachment sa ilalim ng Constitution. So, nabahala po, hindi lang ako, yung ilan sa amin sa recent decision. So, susubukan namin linawin ang mga bagay-bagay para at least yung mga binanggit ko mga prinsipyo kaugnay ng iba't ibang branches of government at kaugnay ng ating mga mamamayan ay hindi lalong mapahirap. Hindi naman mapadali dahil hindi naman madali ang anumang impeachment pero at least malinaw na maitaguyod.

Q: Pero para sa inyo, mas mahirap siya ngayon?

SRH: I think yun yung sense nung mga nagpapahayag ng pagkabahala at yung sense ng mga grupo at indibidwal na nagko-consider or magsasagawa ng anyang mga motion for reconsideration at saka resolution na kung humirap ay humihingi ng kalinawan para yung, at dapat lang naman na hindi madaling proseso ng impeachment ay hindi maging mas lalong mahirap.

Q: Ma'am, may judicial overreach na na-commit yung Supreme Court sa panghihimasok sa usapin ng impeachment process?

SRH: Yun yung isang ipinahayag kahit ng ilang mga dating chief justices at associate justices. And I hope yung isyung iyon ay mare-resolve sa lalong madaling panahon habang sa pagkaintindi ko ay pending pa rin itong impeachment trial.

Q: Ma'am, sabi niyo nga po, in session yung impeachment trial. Pero meron pong Supreme Court ruling sinasabi doon immediately executory. So how do you go about that po? Sabi niyo po din, tama po ba, na tuloy din yung trial. So ano ang ideal scenario, ma'am?

SRH: Well, yung ideal scenario ay hindi pa talaga nasisilip at nalalarawan nang konretong-konkreto kaya nga, may ganitong mga sinasabi ng iba't ibang grupo na magpa-file sila ng motion for reconsideration sa Supreme Court, may mga nagda-draft ng resolution tungkol sa Sense of the Senate kaugnay ng Korte Suprema. So itong lahat ay mga efforts na klaruhin kung papaano ang pinakamaiging paraan na mag-move forward kami sa impeachment.

Q: Pero ma'am, kasi ang sabi na ni Senate President Escudero beofore pa, ano man ang ruling ng Supreme Court, magbobotahan po kayo likely, which is expected kasi collegial body kayo. Kailan po dapat mangyari yung botohan? Should you wait for the final ruling? I mean, after the motion for reconsideration? Kasi despite na immediately executory, open pa daw po to motion for reconsideration yung ruling ng Supreme Court.

SRH: Precisely. So, hanggat hindi final na final, ang understanding ko ay ongoing yung trial. Pero dahil nga yung buong sitwasyon ay napaka-fluid, 'di ba, hindi lang yung baha natin na sobrang nagpapadusa sa ating mga kababayan, dahil pati itong impeachment process ay sobrang fluid sa ngayon, given yung importanteng Supreme Court decision. Kaya, nagsusumikap lahat magkaroon ng kalinawan, magkaisa dun sa kung ano yung malinaw na best way forward, at dalhin namin ito forward. Dahil ang hindi lumabo ay yung obligasyon pa rin namin sa ilalim ng Konstitusyon at obligasyon namin sa ating mga kababayan.

Q: Should the Senate file an MR, ma'am? Are you of that belief?

SRH: Nasabi din yan ng mga legal experts na nagbigay ng analysis sa Supreme Court decision na posibleng ang House at o posibleng ang Senate ay mag-file ng motion for reconsideration. Wala pa akong naririnig dito sa mga kasama kong senador na nagsusulong na maghain kami ng MR. But that's always in the realm of the possible. So tingnan natin ano yung mapag-usapan at mapagkasunduan naming way forward.

Q: Pero kayo ma'am, would you move na mag-file kayo ng MR?

SRH: I'm not yet at that point right now. Oo. Sa ngayon, inoobserbahan ko yung mga grupo na nagsabi na na sila'y mag-file ng motion for reconsideration. Sinusuportahan ko yung pag-draft ng isang resolution on the Sense of the Senate tungkol sa anong payo, mga payo sa mga legal experts pati dating Supreme Court Chief Justices at Justices kung papaano kami magmu-move forward dito.

Q: Ma'am, dapat po pag-usapan siya sa Congress or sa plenaryo po?

SRH: May nanawagan na. I think nanawagan na si Senator Bam na mag-caucus daw kami. And for me, that would be a welcome development. And the best of all would be to discuss it in plenary dahil kami po ay, yun na nga, gaya ng nabanggit ko kanina, ay convened na as a court. Pwede ring i-discuss in plenary ng Senado as a legislative body.

Q: Ma'am, sino po ang nagda-draft ng resolution? At ano ang direction nung resolution ma'am?

SRH: Siya na lang po siguro mag-anunsyo dahil siya po nag-initiate, pero ito ay magiging joint resolution namin. Pero sa pagkaalam ko, ang balak ay iikot ito sa mga kasamang senador para sa pinakamaraming pwedeng sumunod. At ito ay nagre-reference sa mga payo na naibibigay na ng mga legal experts pati mga dating chief justices at justices.

Q: Ma'am last na lang, balikan ko yun sa minority bloc. What can we expect from the new minority bloc sa Senate?

SRH: Siguro mas magandang tanungin pag na-constitute na ito pagkatapos ng botohan sa opening of session. But in principle, every Congress na nagkakaroon ng minority, siyempre, gaya ng napag-usapan natin kanina, yan ay nakataya, naka-dedicate sa pag-siguro na nasusunod ang Rules of the Senate at ang tradisyon ng institusyon nito, yan ay nakatalaga sa pag-fiscalize at pag-check and balance. Yan ay nakatalaga sa puspusang pagtatrabaho para sa ating mga kababayan.

Q: Automatic po ba si Sen. Tito Soto magiging Minority Leader or paguusapan niyo pa po yan?

SRH: Siyempre, ang proseso ay kung lalahok sa eleksyon para sa Senate President, yung hindi mapili bilang SP, ay siyang magiging Minority Leader. At sa minority na sasalihan ko, kung si Senator Tito ang maging Minority Leader, I will be proud to serve in that minority.

Q: May nadagdag sa lima, ma'am? Wala na po?

SRH: Malalaman natin ngayong umaga, but at least sa pagkaalam ko, lima kami.

Legal Disclaimer:

EIN Presswire provides this news content "as is" without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the author above.

Share us

on your social networks:
AGPs

Get the latest news on this topic.

SIGN UP FOR FREE TODAY

No Thanks

By signing to this email alert, you
agree to our Terms & Conditions